TAGALOnG.


Tagalog.
Bakit nga ba Tagalog?
Hindi naman ako pinanganak sa Maynila… pero bakit mas comportable akong gumamit nito tuwing nagblo-blog?
Ino-autocorrect pa ng MSWord ang salitang tagalog into tagalong. Nakakainis. Ano ka hello?

Inspirasyon.
Saan nga ba kinukuha ang inspirasyon?
Ciguro nakukuha yan out of anger, guilt, happiness, remorse, disappointments, fear, at marami pang iba.
Eh bakit lahat ng sinasabi ko ay English? Eh., di ba dapat Tagalog?

English.
Walang hiyang English.
Grammar, Spelling, Punctuations, Pronunciations, Enunciation, at iba pang mga “Tion”2x na iyan. Nakakabwiset minsan kasi hindi ko yata mapagsabayng tama lahat nang iyon sa isang sentence.
Isang sentence lang ang hirap kaya taposin. O di naman kaya’y natapos mo nga pero hindi mo naman maiintindihan ang thought. HIRAP!
Eh bakit lahat ng sinasabi kong terms kanina ay English? Ed, di ba dapat Tagalog?

Tagalong.
Este Tagalog.
Bakit nga ba tagalong?
Este tagalong. Tagalong nga. TAGALOG! Yan…. Tagalog. [Epal! Wag na umangal!]
Sagutin mo nga?
[[[back to my old lousy self. in tagalog, balik tanaw sa matandang la-os na sarili]